Advertisement
photo credit to inquirer
MANILA: IRR ng Anti-Distracted Driving Act, pinaparepaso ni Senator Binay, Disamayado ang senadora dahil tila nag-iba ang tunay na intensyon ng Anti-Distracted Driving Act.
Ang pagka dismayang ito ay dahil sa inilabas na Implementing Rules and Regulations na nagbabawal pati paglalagay ng rosaryo, air freshener at iba pang gamit sa dashboard ng mga sasakyan.
Iginiit ni Senator Binay na ang layunin ng batas ay ipag bawal ang pag-gamit ng mga Gadgets para hindi ito maging dahilan ng aksidente at hindi maapektuhan ang maayos na pag mamaneho. Ipinupunto pa ng Senadora na kung ano-ano nalang ang nakapaluob sa Implementing Rules and Regulations at hindirin maganda na araw-araw nalang ay nagkakaruon ng ibat ibang interpretasyon.
Plano ngayon ng Senadora na maghain ng resolusyon para mabusisi ang nasabing Implementing Rules and Regulations (Anti-Distracted Driving Act)
Advertisement