Saturday, May 20, 2017

Official Visit Of President Duterte To Russia - May 22

Advertisement
Official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia Kasado na

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Sec. Maria Cleofe Natividad, Ang pagbisita ni Pangulong Duterte sa Russia ay para mapalakas ang ugnayan ng Pilipinas at ng Russia Dahil sa nakalipas na 40 years ay naging matabang ang relasyon ng Pilipinas at Russia dahil sa mahigpit na­ting relasyon sa kaal­yadong bansa, ang AMERICA

Darating si Pangulong Duterte sa Russia sa Mayo 22 at mananatili doon hanggang Mayo 26 kung saan nakalatag ang bilateral meeting nito kina Russian Prime Minister Dmitry Medvedev at President Vladimir Putin.

“It will be the first visit of the President to Russia and we believe it will mark a new chapter in Philippine – Russia relations. We also see this visit as an indication of our strong common desire to enhance and strengthen bilateral relations,” paliwanag ni Natividad sa isang pre-departure briefing sa Malacañang kahapon.

Ang pagbisita ni Pa­ngulong Duterte sa Russia ay bilang pagtugon sa naging paanyaya ni President Putin nang magkita sila sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Lima, Peru noong Nobyembre 2016.
Advertisement
Previous Post
Next Post